contenttype.news

Grundfos Foundation, sinuportahan ang mahigit isang libong ulila at childcare frontliners sa bansa

Ang PHP 2 milyong pondo ay mapupunta sa walong SOS Children’s Villages

Manila, 03 June 2020 – Dahil sa COVID-19 quarantine regulations at social distancing, hirap ang mga organisasyon na tumutugon sa pangangailangan ng mga naulilang kabataan na masiguro ang sapat na supply ng kanilang pagkain at iba pang kinakailangan na kagamitan.

Bilang tugon, ang Grundfos Foundation ay nag-abot ng tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain, cleaning supplies, at personal protective equipment sa walong SOS Children’s Village sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Ang mga kagamitan na ito ay kayang matugunan ang pangangailangan ng organisasyon ng halos isang buwan.

 

Ang SOS Children’s Village ay tahanan para sa 957 na mga naulilang bata at 145 childcare frontline workers. Matatagpuan ang mga SOS Children’s Villages sa Muntinlupa City, Metro Manila; Calbayog City, Samar; Cebu City, Cebu; Davao City, Davao del Sur; Lipa City, Batangas; Tacloban City, Leyte; Zarraga, Iloilo at Mariveles, Bataan.

Nagbahagi ng pahayag si Kim Nøhr Skibsted, Executive Director ng Grundfos Foundation, patungkol sa donasyong ito. Aniya, “The Covid-19 pandemic is taking a toll on the most vulnerable communities. With our grant, we hope to ease the pressure that SOS Children’s Villages are facing and support the children and childcare workers for at least a month. The Foundation will be working closely with the Grundfos Philippines team and SOS Children’s Villages to distribute these supplies in a timely manner.”  

(Malaki ang epekto ng COVID-19 pandemic lalo na sa mga komunidad na tulad ng SOS Children’s Village. Sana ay makatulog ang aming donasyon upang maibsan ang problemang kinakaharap ng SOS Children’s Village at masuportahan sila sa kanilang pang isang buwan na pangangailangan. Ang Grundfos Foundation ay makikipag-ugnayan sa Grundfos Philippines at SOS Children’s Village upang agaran na maipamahagi ang aming donasyon.)

Kasama sa pamamahagi ng humigit kumulang na PHP 2 milyong halaga ng donasyon ay ang mga empleyado ng Grundfos Philippines at ang General Manager nito na si Jonathan Breton. Siniguro ng bawat kalahok na sumunod sa social distancing guidelines upang ligtas ang bawat isa. “It is a proud moment for us at Grundfos Philippines, knowing that our Foundation cares about the welfare of our local communities. It is also heartening, to see that our support will help the more than thousand children and their caretakers through these tough times.”

(Isang karangalan para sa Grundfos Philippines na ang aming foundation ay may puso para kapakanan ng ating lokal na komunidad. Nakakataba rin ng puso na malaman na kami ay tiyak na makakatulong sa mga naulilang bata at caretakers lalo na’t malaki ang pagsubok na kinakaharap natin ngayon.)

“Because of the COVID-19 lockdown, we have been struggling to get food and supplies for our children and childcare staff. This donation from Grundfos Foundation is a welcome relief from the shortages we are experiencing and will help us adjust to the new normal,” aniya ni Ma. Angeles Guanzon-Lapeña, Presidente ng SOS Children’s Villages.

(Dahil sa COVID-19 lockdown, nahirapan kami na kumuha ng pagkain at supplies para sa mga bata at aming staff. Ang donasyon na ito ng Grundfos Foundation ay isang malaking tulong upang matugunan ang aming shortage sa supply at para kami rin ay unti-unting maka-adjust sa new normal.)

Ang Grundfos Foundation ay marami pang programa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na tumutumugon sa pangangailangan ng mga local na komunidad at iba pang tuling upang labanan ang COVID-19.